foreverdream
June 2nd
Female
lungsod quezon
´┐Żbampira´┐Ż

i'm foreverdream a 19 yr oLd freak a student in an underground coLLege in sta.cruz maniLa who Listens to rock music a frustrated drummer who wants to be in a band but the band doesn't want her who talks to herself a lot in front of a mirror who never Listen to a compLement who Loves kim jae won a dreamer a witch a puLper a souLsearcher ready to faLL from the 20th fLoor of a buiLding who Longs for a reaL friend wasted senseLess no one understand because she's unpredictabLe a negative girL easy to give up unLess for him who thinks she's dumb because of her countLess wrongs who never forgets her chiLdhood memories a mute sLow thinker a soft spoken a bLogger..





   

<< November 2017 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04
05 06 07 08 09 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30

AmazingCounters.com
ang mga nakakita..

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed



 
Tuesday, October 15, 2013
11
sobrang nakakapagod na. di ko mapigilan magsalita na. hindi lang naman sya ang napapagod. ayoko na dito. sana matapos na tong bangungot na to. may ginagawa ako na pasyente itatanong pa sakin kung nagawa ko na yon. sayang. mas pinili ko na lang manahimik kesa makipagsagutan. basta sa oras ng pag alis ko wag na wag lang nila akong pipigilan. dahil hinding hindi ako magpapapigil. sa wakas konting panahon pa ang aking titiisin. sobrang badtrip yung mga plastic na tao dito. akala ko totoong mga friends sila pero ganon pala yung pinagkakalat nila. kasalanan ko bang nawalan na talaga ako ng gana kumain dito kaya ako pumayat. nakakainis. gawan ba ako ng kwento na nagpapa sexy ako kaya di ako kumakain at pag nagugutom ako ay tubig lang ang iniinom ko to supress my hunger. my God, never ako nagsabi sa iba na ganon yung ginagawa ko so meaning nun, imbento yun. at hindi ako nagsasalita kaya pano ko masasabi sa iba yon. ganon ulit. mas pinili kong manahimik. ayaw ko ng gulo. tama na to. ayoko na talaga. please God, pabilisin nyo pa po ang pagtakbo ng mga oras. para tuluyan ng lumipas ang panahon na ito.

Posted at 10/15/2013 6:31:53 am by foreverdream
comments  

 
Friday, October 11, 2013
10
sobrang nalulungkot na ko. namimiss ko na kasi ang pamilya ko. ayoko na sa lugar na ito. sana nandito ka at kasama ko. malamang di na ko malulungkot nun. ang hirap. ayoko na umalis sa susunod ng di kita kasama. sana magsama na tayo habambuhay. sana wag nila pigilan ang pag exit ko dito sa susunod na taon. kahit kulang ng empleyado sa ospital na ito ay para sa kin ay hindi tamang pigilan nila ako dahil wala naman ito sa kontrata na pinirmahan ko. lalo na at ayoko na talaga dito at gustong gusto ko ng umuwi. paguwi ko ay mamamasyal ako sa kahit saang maisipan ko. isasama ko ang pamilya ko. kakain ako ng lechong kawali at magpapaluto ako kay papa ng crispy pata. natatakam na ko kumain ng pork. at yung chicharon ng lapid's. ang chicharon na may kasamang laman. at syempre kasama kita kakain nun tulad nung dati. tambay tayo habang kain ng chicharon. at madami pa ko gustong gawin paguwi ko. kaya sana makauwi na ko. sana matapos na tong bangungot na ito. akala ko madali lang mag isa pero hindi pala. malungkot. sobrang nakakalungkot. sana makasama ko na ang lahat.

Posted at 10/11/2013 6:18:11 am by foreverdream
comments  

 
Tuesday, January 08, 2013
9
ang sabi nung kaibigan kong mas payat at bata sakin? nag extend daw ang planner deadline. kung alam ko lang. *iyak* sabi nila di daw nakakapogi ang pagpaplanner ng starbucks planner. pero di naman ako nagpapapogi. nagpapa swerte ako. pampaswerte kasi yon. at saka gusto ko lang ng planner nila. taon taon iba iba naiisip nilang disenyo. ang tataba lang ng mga utak nila. sana magkaplanner na ko ng starbucks ng wagas. para swerte. wagas talaga ang gastos ko ngayon. sabi ko magtitipid na ko ngayong 2013. kaso ang sale, nagmumura sakin. p*tang *na utang na loob bumili ka na. nasa sakin kung bibili ako o hindi. e sa ayoko bumili kahit mag sale. kaso lang iba eh. parang magnet ang effect. sing bilis ng kidlat ang sama ng pagkakatingin sa magagarang bagay na mas pinamura pa ng panahon. kakaasar. sana swertehin din.

Posted at 1/8/2013 8:50:08 am by foreverdream
comments  

 
Monday, January 07, 2013
8
eto na ang unang blog post ni kundiman ngayong baong taon. madami nangyari nuong nakaraang taon. mga tama at mga maling desisyon, na humantong sa mga magaganda at masasamang pangyayari. isang halimbawa ang kasalukuyang agam agam. ako ay nakiusap sa isang kaibigan na itago natin sa pangalang ikil. sabi ko kunan nya ko ng planner sa starbucks. pero hanggang ngayon wala pa rin akong balita. ang alam ko magtatapos na ang pamimigay nila ng stickers bukas. ang huli kong balita ay 5 stickers nalang ang kulang. tingin ko busy din yung tao. at napressure din sakin. kaya parang pinagtataguan na nya ko ngayon. kawawa naman sya. pero sinabihan nya ko na sya daw ang bahala kaya umasa ako. sana makuha ko na yon bago mag feb. andami ko ng plano na hindi ko maisulat. dahil hinihintay ko ang planner na yon. mahilig ako magsulat ng plans kasi nakakalimutan ko parati ang mga susunod kong gagawin. tulad kanina, hindi pala dapat ako magluto ng corned beef dahil bibilhan ako ni princess ng breakfast. pero nagluto pa rin ako kasi naalimutan ko na oo nga pala may breakfast na ko.bukas ay pupunta kami sa moa, sana maalala ko at magising ako ng 4pm. naiiyak ako sa kakatawa dun sa pinanuod naming trailer ng ip man 5. hahahaa natatawa ako pag naaalala ko. pati si ralph naiyak kakatawa. sana makatulog na ako. di ako makatulog nitong mga nakaraang araw. sana pumayat na ko ngayong taon. diet diet at exercise exercise din. humanda sya kapag nawalan na ko ng planner.

Posted at 1/7/2013 4:35:10 am by foreverdream
comments  

 
Friday, December 21, 2012
7
dahil doomsday maga-update ako. hindi pa rin nagugunaw ang mundo katulad ng nasasaad sa mayan calendar. pero di pa naman natatapos ang araw baka na late lang. ang mga ginawa ko lang ngayong doomsday ay sumakay sa bus, naglaba, nagdownload ng isang album at natulog. pagkagising ko ay ang kasalukuyan. naglaba ako kasi baka di matuloy doomsday, wala ako uniform sa sabado pamasok. nagdownload ako ng album ng mayday parade para may mapakinggan soundtrip habang nagtatakbuhan ang mga tao patungo sa kaligtasan kung nagaganap na ang doomsday. natulog ako para paggsing ko ay doomsday na. at sa ngayon, nasa ganap pa ring kaayusan ang lahat,salamat kay Bro. at syempre naiisip ko rin ang kaligtasan ng pamilya ko sa mga oras na to. meh christmas party ang ultrasound section mamaya. potluck daw kaya chopsuey at blueberry cheesecake ang dadalhin namin. kainan nanaman. hindi na mapigilan ang sobrang pagtaba ko. ano na ang gagawin ko. nagaalala ako. baka walang kumasya na gown sakin kapag kinasal na ko. hindi ko matagalan ang mga ehersisyo na kailangan magawa ko. sobrang nakakapagod ito. kailangan kong tiisin pero di ko na kaya.

Posted at 12/21/2012 4:34:15 pm by foreverdream
comments  

Next Page